Are you ready to cast your vote for the economic future you want?

Ekonomustahan is Ekonsepto's special project which aims to create a space for 2022 Philippine Elections national candidates to relay and laymanize economic campaigns to voters. 

Presidential Candidates Ranking by SALN Figures

Ano ang SALN?

Ang SALN ay ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Ito ay ang deklarasyon ng mga pampublikong opisyal ng kanilang mga ASSETS o pagmamay-ari (lupa, sasakyan, etc), LIABILITIES (mga utang) at mga business at financial interests kasama ang sa kanilang asawa at mga dependent, single na anak na hindi lalagpas ng 18 taong gulang. Required ito ng batas alinsunod sa Article XI Section 17 of the 1987 Constitution and Section 8 of Republic Act No. 6713, the “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” 

Economics of Estate Taxes

ANO ANG ESTATE TAX?

Ito ay tax sa karapatan na ipinasang pamana (assets tulad ng lupain at iba pang ari-arian) ng isang namatay na donor sa kanilang tagapagmana (lawful heir). Samakatuwid, hindi puwedeng gamitin ang mga pamana hanggat hindi pa ito napapatawan ng buwis. Ang estate tax ay isang uri ng wealth tax na kadalasan ipinapataw sa mga assets kada taon. Sa estate tax, isang beses lamang sisingilin ang estate tax base sa kabuuang matatanggap ng tagapagmana pagkamatay ng donor ngunit gaya sa kaso ng mga Marcoses, maaring lumobo dahil sa interes (tubo).

Focus Primers

Ferdinand Marcos, Jr.

MARCOS ON PH DEBT-TO-GDP RATIO: ‘We’re in a relatively good position’

Noong presidential interview ni Boy Abunda [1], sinabi ni Marcos, Jr. na okay pa ang position ng Pilipinas dahil may ibang bansa na umaabot ng 125% ang debt-to-GDP ratio. Salungat sa pahayag ni Marcos, Jr. na mas mababa sa 60% ang debt-to-GDP ratio ng bansa [2], nalagpasan na ang porsyentong ito noong 2021 pa lamang. Ngayong March 2022, nasa 61% na ang kabubuuang utang ng bansa.


ANO ANG DEBT-TO-GDP RATIO? 📊

Ang metric na ito ay porsyento ng utang ng bansa (DEBT) sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa bansa (Gross Domestic Product o GDP)  sa isang panahon (kadasalan sa isang taon). Kung mataas ito ay mataas rin ang tsansa na hindi makabayad ng utang ang isang bansa na maaring magdulot ng mas negatibong epekto sa ekonomiya. [3]


MATAAS NA BA MASYADO ANG KASALUKUYANG DEBT TO GDP Ratio ng Pilipinas?

Oo, kung pagbabasihan ang general rule ng mga ekonomista at mga debt agencies na nasa 60% lang ang ideal na ratio. [4]


OKAY BA TALAGA ANG KASALUKUYANG ESTADO NG PUBLIC DEBT NG PILIPINAS? OKAY BA TALAGA TAYO MANGUTANG?

Maaring baguhin ng Estados Unidos ang utang mula sa near zero simula ngayong Marso ayon kay UP Economic Professor Renato Reside [5]. Sabi rin ni Reside, importante na nagkakaroon ng transparency ukol sa mga utang na ito gaya ng pag-aaudit sa mga loans. Sa ideal na mundo, maganda na ang pambansang utang (“debt”) ay pantay sa pambansang pag gastos (“expenditure”). Sa, Pilipinas madalas na ito ay hindi nagpapantay kung kaya’t nangungutang ang bansa “domestically” o “internationally”. Hindi masama ang pangungutang ngunit kailangan na ang mga inuutang natin ay may malaking benepisyo sa ekonomiya at mamayang Pilipino (“return of investment”). 


MAY PAG-ASA BANG BUMABA ITO SA MGA SUSUNOD NA BUWAN

Ayon sa Philippine Statistics Authority [6], ang GDP year-on-year growth rate ng Pilipinas ay simulang tumaas noong 2nd quarter (12.0%) at tuluyan pang bumaba noong 4th quarter (7.7%) ng 2021. Kung pagbabasehan ang datos na ito, mayroong pag-asa na bumaba ang debt-to-GDP ratio lalo na kung magtuloy-tuloy ang paglago ng bansa at kung mas magiging maingat ang gobyerno sa pag utang.


LESSONS FROM ECONOMIC HISTORY 🇵🇭

Noong panahon ni Marcos, Sr., pumalo sa lagpas 90% and debt-to-GDP ratio ng Pilipinas na nangangahulugang ang utang sa panahong ito ay halos kapantay na ng kabuuang produksyon ng bansa [7]. Pagdating ng 1983, nagdeclare ang economic managers ni Marcos, Sr. na hindi nila kayang bayaran ng bansa ang pagkakautang nito. Base sa loan agreements, pagbabayaran ng mga tax payers ang utang noong Marcos era hanggang 2025.  Hindi masama ang mangutang kung may krisis dahil mas mainam ito kaysa singilin ng mataas na buwis ang naghihirap na publiko, ngunit dapat pa rin ay nasa sustainable level ang public debt at napupunta ito sa tamang mga proyekto. (BASAHIN: Ekonsepto primer on borrowinng https://www.facebook.com/media/set?vanity=EkonseptoPH&set=a.145125253848325


📖 References:

[1] https://www.youtube.com/watch?v=wFD0CwgfMwQ&ab_channel=TheBoyAbundaTalkChannel

[2] Bureau of Treasury | National Government Debt https://treasury.gov.ph/?page_id=12407

[3] Definition Debt to GDP Ratio https://investopedia.com/terms/d/debtgdpratio.asp

[4] PH debt still manageable – BSP | The Manila Times https://www.manilatimes.net/2022/03/07/business/top-business/ph-debt-still-manageable-bsp/1835372

[5] Philippines faces risks from mounting debt — analysts - BusinessWorld Online https://www.bworldonline.com/philippines-faces-risks-from-mounting-debt-analysts/

[6] https://psa.gov.ph/national-accounts

[7] Marcos debt: Ano ang katotohanan? https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-what-is-the-truth-about-marcos-administration-debt/


🔍 Learn more:

Ekonsepto Webinar on Debt Financing 

• with UP School of Economics (JC Punongbayan): https://www.facebook.com/events/2850319185199015

• with Department of Finance (Atty. Miguel Dimaculangan): https://www.facebook.com/events/369812371117787

The World Bank. "Finding the Tipping Point -- When Sovereign Debt Turns Bad." https://elibrary.worldbank.org/doi/abs/10.1596/1813-9450-5391

Debt, deprivation and spoils of dictatorship | 31 years of amnesia | Philstar.com https://newslab.philstar.com/31-years-of-amnesia/golden-era

Leody De Guzman

DE GUZMAN: 20% ONE-TIME WEALTH TAX PARA SA 500 RICHEST FILIPINOS

Balak ni Ka-Leody na i-tax ang 500 na pinakamayamang tao sa Pilipinas ng isang one-time 20% tax upang maresolba ang inutang ng Pilipinas para sa COVID-19 [1] at para sugpuin ang inequality o hindi pagkapantay-pantay ng incomes ng mga Pilipino [2]. Ang inaasahang P1 Trilyon na makokolekta ay ilalaan sa programa sa employment (P475 B), kalusugan (P400 B), at sa mga small businesses (P125 B) [3].


ANO ANG WEALTH TAX?

Ito ay buwis na ipinapataw sa net wealth o kayamanan ng isang indibidwal, ibig sabihin nabawas na rito ang utang o liabilities ng isang tao bago ma-itax (assets - liabilities = net wealth). Kakaiba ito sa karaniwang alam natin na buwis na ibinabawas sa sahod. Ang layunin nito ay makuhanan din ng buwis ang mga iba ibang ari-arian gaya ng lupa o hati sa kumpanya (“stocks” o “shares”) [4].


MAINAM BA ANG PAGPAPATAW NITO AYON SA ECONOMICS? [5]


SINU-SINO ANG MAA-APEKTUHAN NG WEALTH TAX?

Sa plano ni Ka-Leody, ito ay ang pinakamayamang 500 na tao sa Pilipinas. (TINGNAN: 2021 Richest https://www.forbes.com/sites/forbespr/2021/09/08/wealth-of-philippines-50-richest-on-forbes-list-rises-30/?sh=6fee39eceb6e)

Pero maaaring baguhin ang sakop ng wealth tax ayon sa sakop na populasyon at panahon. Kung isasama ang buong populasyon, magkakaroon ka rin ng wealth taxes kung may pag-aari ka na condominium, stocks, etc. Kung babaguhin naman ang panahong sakop, maaring ipataw ito kada taon (“annual wealth tax”) at ang epekto ay hindi lang ang mayaman sa kasalukuyan ang maapektuhan kundi na rin ang mga may mga assets sa hinaharap.


PATAS BA ANG WEALTH TAX?

Ang mga ekonomista ay dine-debate pa ang implikasyon ng isang wealth tax ngunit ito ay magba-base sa mga sumusunod [5]:


📖 References:

[1] Ka Leody accepts finance chief offer for dialogue, to discuss platform on wealth tax https://newsinfo.inquirer.net/1557351/ka-leody-accepts-finance-chief-offer-for-dialogue-to-discuss-platform-on-wealth-tax

[2] Ka Leody wants a 20% wealth tax on the 500 richest Filipinos if he's elected | Inquirer News https://newsinfo.inquirer.net/1550049/20-wealth-tax-ka-leody-vows-to-tax-500-most-richest-filipinos-if-elected-president

[3] Ka Leody eyes wealth tax to finance ₱1-T recovery plan https://www.cnnphilippines.com/news/2021/11/27/Ka-Leody-eyes-wealth-tax.html

[4] Wealth Tax Definition https://www.investopedia.com/terms/w/wealth-tax.asp

[5] The economics of a wealth tax https://www.wealthandpolicy.com/wp/EP3_Economics.pdf


🔍 Learn more:

Estimating the economic impact of a wealth tax https://www.brookings.edu/blog/up-front/2019/09/05/estimating-the-economic-impact-of-a-wealth-tax/

4 European countries still have a wealth tax. Here's how much success they've each had. https://www.businessinsider.com/4-european-countries-wealth-tax-spain-norway-switzerland-belgium-2019-11

Issue-based Primers

🛣  Infrastructure 

𐄷  Governance, Corruption, & Regulation

🍃 Environment and Climate Change 

🌾 Agriculture and Food Security

20220427 [EKONOMUSTAHAN IBP] Agriculture and Food Security Part 1.pdf

The Philippines is an agricultural country. Sounds familiar? Intro lagi ng papers noong high school pero ngayon, ang mga stands ng mga kandidato tungkol sa sektor na ito ay magdidikta sa kabuhayan ng ating mga farmers pati na rin ng seguridad ng ating mga pagkain. Sa primer na ito, kilatisin natin ang kanilang mga plano. 

20220428 [EKONOMUSTAHAN IBP] Agriculture and Food Security Part 2.pdf

Anong plano ng presidential bet mo para sa ating agrikultura? Paano nila balak sugpuin ang krisis ng mataas na presyo ng pagkain at kakulangan ng produksyon ng Pilipinas? Alamin sa post na ito. 

20220420 [EKONOMUSTAHAN IBP] COVID Recession & Economic Growth and Recovery.pdf

 📊 COVID Recession & Economic Growth and Recovery

Alam mo ba na noong 2020, mayroong tinatayang halos 1 milyong micro, small, and medium enterprises o MSMEs sa Pilipinas?

Dahil sa bunga nitong mga trabaho at kabuhayan sa mga Pilipino, tiyak na susi ang mga maliliit na negosyo sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Narinig mo na ba ang plano ng mga kumakandidatong presidente para sa kanilla? No need to PM, sis! Alamin ang mga ito sa ating latest Ekonomustahan primer!

20220420 [EKONOMUSTAHAN IBP] COVID Pandemic Response and Health.pdf

🩺 COVID Pandemic Response and Health

19 araw na lang, Eleksyon 2022 na! 

Panahon na naman upang bumoto ang mga tao ng mga lider na ihahalal para sa Pilipinas. Mahalagang mapag-isipan ng every Juan kung sino ang karapat-dapat na gumabay at mamuno sa bansa nang anim na taon.

Kilala mo na ba ang mga Presidentiables?  Alam mo na ba kung ano ang plano nila upang masugpo ang pandemya? Narito na ang #Ekonomustahan2022 para mapakita ang mga programang hatid ng bawat kandidato para sa pagsasa-ayos ng mga problemang dala ng COVID-19 sa health sector ng bansa.

Dapat nang mas makilala pa ang bawat kandidato. Kilatisin at pag-isipan nang mabuti ang susuportahan sa #Eleksyon2022 para sa magandang kinabukasan ng everyJuan.

DISCLAIMER: Ekonomustahan is a project featuring the economic platforms of all presidential, vice presidential and senatorial candidates, dependent on the publicly available data and successful interviews of representatives. Ekonsepto will not endorse any party or individual and will strive to give equal exposure to all qualified candidates.