#EKONsulta

May tanong ka ba tungkol sa ating ekonomiya?

Send in your questions via Facebook or tag us on Twitter using #EKONsulta and our volunteer economists will answer them for you.

20220928 [EKONSULTA] BUDGET DEFICIT.pdf

Ano ang budget deficit?

September 28, 2022

20220830 [EKONSULTA] EXCHANGE RATE.pdf

Dapat po ba akong matuwa o malungkot kapag tumaas ang exchange rate ng peso at dolyar?

August 30, 2022ย 

Paano ba nangyayari ang exchange rate?

May 10, 2021 | โ€œPeso surges past four-year high vs. dollar,โ€ ito ang balita nitong nakaraang linggo kung saan ay lumampas na ang piso sa pinakamataas na value nito kumpara sa dolyar sa apat na taon. Masasabi dito na base sa exchange rate ay lumalakas ang piso, pero ano nga ba ang exchange rate?

Ang exchange rate ay presyo lamang ng isang currency (e.g., PHP) ayon sa halaga ng ibang currency (e.g., USD). Trade balance (import/export) ang pinakamahalagang factor kung bakit gumagalaw ang exchange rates. Hindi ito madaling bigyang-kahulugan bilang economic indicator. Halimbawa, mabuting balita ba ang pag-akyat ng halaga ng piso (peso appreciation)? Kung ikaw ay isang importer, mabuting balita ito, dahil mas mura na ang mga bibilhin mong imported goods. Ngunit kung ikaw ay isang Overseas Filipino Worker, masamang balita ito, dahil mas kaunting piso ang kapalit ng sahod mong dolyar. Kaya mahalagang alamin ang economic context bago natin masasabi ang epekto ng exchange rate.


BASAHIN:

PHL thriving on strong tourism, stable peso (Villar, Jan 2020): https://businessmirror.com.ph/.../phl-thriving-on-strong.../

Strong peso - good or bad? (Sy, Sept 2020) https://www.philstar.com/.../2040489/strong-peso-good-or-bad

Peso surges past four-year high vs. dollar; analysts see trade, fund-raising support (Pilar, 2021): https://www.cnn.ph/.../7/peso-strongest-in-over-4-years.html


BALIKAN:

Value ng JPY at KRW: https://www.facebook.com/EkonseptoPH/photos/176094894084694

Bakit mas mababa ang halaga ng pera ng JPY at SKW kahit malago naman ang ekonomiya nila?

Kahit na halos doble ang halaga ng pera natin kapag nagpunta sa Japanย  o Korea , hindi ibig sabihin nito na mas malakas na ang ekonomiya natin kaysa sa kanila. Ang lakas o hina ng currency ay nagsasaad kung gaano karami ang kayang bilihin ng isang bansa gamit ang kanilang currency. Halimbawa, kapag lumakas ang JPY, mas maraming mabibili ang Japan sa ibang bansa, ngunit maaari ring humina ang kanilang benta dahil hihina ang currency ng mga bansang bumibili sa kanila.

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž๐ง๐ ๐ญ๐ก ๐ง๐  ๐œ๐ฎ๐ซ๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐›๐ข ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ž๐ค๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐ฒ๐š. Kung ganito, eh โ€˜di ang Kuwait ang pinakamalagong ekonomiya (1 Kuwaiti Dinar = 3.63 US Dollars) at ang pinakamahina naman ay Venezuela (1 USD = ~300,000 Bolivar). Ngunit hindi ito ang kaso. Mas mainam tumingin sa ibang indicator gaya ng GDP o Purchasing Power Parity (PPP). Kahit mas maraming maipapalit na Won at Yen ang ating piso, mataas din ang halaga ng bilihin sa mga lugar na ito.

๐‘ญ๐‘ณ๐‘ถ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฝ๐‘บ ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ฟ๐‘ฌ๐‘ซ ๐‘ฌ๐‘ฟ๐‘ช๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฌ ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ: Ang Japanese Yen, Korean Won, at iba pang currencies gaya ng ating Philippine peso ay sumusunod sa โ€œ๐™›๐™ก๐™ค๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™š๐™ญ๐™˜๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™š ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™šโ€. Ibig sabihin ito ay nakadepende sa demand at supply ng mga currencies at hindi ito kino-control ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pinipili ito ng mga bansa para mas may awtonomiya ang mga central banks sa pagboost ng demand sa ekonomiya kapag may shock gaya ng pandemiya.

Salungat naman ito โ€œ๐™›๐™ž๐™ญ๐™š๐™™ ๐™š๐™ญ๐™˜๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™š ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™šโ€ na kung saan nagmamanage ang gobyerno para maging stable ang halaga ng piso sa pamamagitan ng pagmonitor at pagbili/benta ng foreign currency reserves. Ina-adopt ito para magkaroon ng mababang inflation at mabigyan ng mas siguradong investment climate ang exporters/importers.


Resources History ng Floating Exchange Rate: https://www.investopedia.com/.../f/floatingexchangerate.aspFAQs sa exchange rates mula sa BSP (March 2020): http://www.bsp.gov.ph/down.../Publications/FAQs/exchange.pdfIba pang impormasyon sa Korean Won: https://www.nationsencyclopedia.com/.../Korea-South-MONEY...Iba pang impormasyon sa Japanese Yen: https://www.nationsencyclopedia.com/.../Japan-MONEY.html

Ano ang pinagkaiba ng BS at BA Economics?

August 10, 2020 | BA man o BS ang piliin mo - pareho silang may fixed subjects sa economics katulad ng micro/macroeconomics at sapat na background sa mathematics dahil ito ang foundation ng kurso sa pagaanalisa ng mga polisiya at mga economic phenomenon.

Pwede ring magpursue ng graduate studies sa economics ang parehong degree na ito. Kung ikaw ay kukuha ng Masters of Science in Economics, maaring pakuhanin ng additional mathematics classes ang isang BA graduate. Mas mainam na tingnan ang specific na kailangan ng Department. Sa huli, dapat isaalang-alang ang iyong career objective sa pagpili ng type ng Economics degree. Nabanggit din namin noon na may iba't ibang specialization ang Economics katulad ng agriculture, business, development o natural resource na dapat ding i-consider.

Ilan sa mga unibersidad na nago-offer ng Bachelor of Arts in Economics: University of the Philippines (Baguio, Tacloban), University of Sto. Tomas, Ateneo de Manila University, De La Salle University

Bachelor of Science: University of the Philippines (Diliman, Los Baรฑos, Iloilo), De La Salle University.

Ano ang relasyon ng unemployment at inflation?

August 3, 2020 | Gustuhin man natin na pareho silang mababa, may trade-off ang unemployment at inflation. At kahit inverse ang relasyon ng nila, tandaan natin na may iba pang factors na maaaring magdulot ng inflation. Ilang halimbawa ay ang pagtaas ng input prices o presyo ng mga bagay na ginagamit natin sa produksyon ng iba pang mga produkto at ang pagtataas ng presyo dahil sa expectations - kung tindera ka at inaasahan mong tataas ang presyo ng ilang bilihin, uunahan mo na ang pagtaas ng presyo. Ang mga ito ay naranasan natin noong pagpasa ng TRAIN law. Kaya maaaring mangyari na tumaas ang unemployment kasama ang inflation dahil nahihila ang resulta nito ng iba pang mga factors.

Sinasabi rin ng mga ekonomista na ang inverse na relasyon ng unemployment at inflation ay sa short-run lamang (maaring ilang buwan) kung saan hindi pa nagbabago ang kabuoang supply sa bansa. Ayon sa kanila, kapag nasa long-run na (pangmatagalan, maaring higit sa ilang buwan na sunod-sunod), hindi na naaapektuhan ng unemployment ang inflation rate. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang mga link sa baba.


Basahin:

How Inflation and Unemployment Are Related [Investopedia] https://www.investopedia.com/.../how-inflation-and...

Inverse Relationship of Inflation and Unemployment [The Economy - Core Economics] https://www.core-econ.org/the-economy/book/text/15.html....

Anong ibig sabihin ng "no such thing as free lunch"?

July 14, 2020 | โ€œPare, sagot ko na lunch mo!โ€ May free lunch, free data, at iba-iba pang serbisyong libre as in wala kang babayaran. Pero bakit nasasabi pa rin ng mga ekonomista ang โ€œthere is no such thing as free lunchโ€. Hindi ba talaga libre yun? Paano?

Kung linibre ka ng lunch ng iyong kaibigan, wala kang ginastos na pera para sa pagkain, ngunit may gastos pa rin ang pagkain na sinalo lamang ng kaibigan mo kaya masasabing hindi ito totoong โ€œlibreโ€. At kahit libre talaga ang pagkain sa restaurant sa araw na โ€˜yun, alam nating may kinuha pa rin sila ng resources tulad ng mga ingredients mula sa mga farm. Bukod dito, may nabawas ka ring oras.

At kung hindi ka ililibre ng lunch ng iyong kaibigan, pipiliin mo sanang kumain ng adobo na luto ng nanay mo para sa tanghalian. Ang benefits na di mo nakuha sa pagkain ng adobo ay gastos din na nagsisilbing opportunity cost ng libreng lunch.

Sa pambansang antas, ang mga benefits na nakukuha natin nang libre mula sa gobyerno tulad ng ayuda ngayong may COVID-19, libreng tuition sa mga kolehiyo, at iba pang mga polisiya ay hindi talaga โ€˜libreโ€™. Ito ay pinopondohan mula sa mga utang, mga kontribusyon ng taxpayers, atbp. At ang opportunity cost nila ay ang iba pang alternatibong proyekto at polisiya na maaari sanang iimplement gamit ang nakalaang pondo.

Ano ang expertise and opportunities para sa nagtapos ng Economics?

July 8, 2020 | Ang mga pag-aaral ng mga ekonomista ay nagiging basehan ng mga indibidwal at ng isang bansa gaya ng mga polisiya sa tax at paggastos ng gobyerno, paano makakamit ang pag-transfer ng income mula sa mayaman papunta sa mga nangangailangan at mga suhestiyon para maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Maaring mai-apply ang ibang mga technique na ito sa ibang branch ng economics. May mga unibersidad na may specializations o majors ang kanilang BS Economics program, ilan sa halimbawa ng mga majors ay ang mga sumusunod:

1. Natural Resource Economics - paano magoperate ang isang ekonomiya sa loob ng ecological constraints ng ating planeta;

2. Development Economics - paano mapaunlad ang social conditions ng mga developing countries;

3. Business Economics - mga desisyon ng mga firms at mga business players;

4. Health Economics - efficiency ng produksyon ng healthcare services at paano ito maibabahagi sa mga tao o consumers;

5. Agricultural Economics - pagtalakay sa produksyon, distribyuson ng mga produktong pang agrikultura gaya ng pagkain at serbisyo tulad ng pagsasaka.

Bakit hindi na lang mag-print ng maraming pera?

July 6, 2020 | Hanggang saan aabot ang isang milyon mo? Kung nasa Venezuela ka noong 2018, hindi pa ito makakabili ng kalahating kilong bigas! Umabot kasi sa 2.5 milyong bolรญvar ang presyo ng 1 kilo. Dahil ang inflation nila noon ay umabot sa 80,000%, ang 2.5 Million sa kanila ay bente pesos lang ang halaga sa atin. Nangyari ito dahil sa hyperinflation na epekto ng pagpi-print ng maraming pera ng gobyerno ng Venezuela.

Ito ang iniiwasan nating mangyari kaya kahit lumalaki na ang utang ng bansa para sa pandemya ay hindi nagpi-print ng sobrang daming pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nang isang bagsakan. Gayunpaman, maaari itong maging panglaban sa pagbaba ng demand kung may recession basta ito ay sa kontrolado at maingat na paraan para hindi lumagpas sa target na inflation rate na 2-4%.


ALAMIN: (The Guardian) 14m bolivars for a chicken: Venezuela hyperinflation explained https://www.theguardian.com/.../venezuela-bolivars...

Kung tumaas ang populasyon natin, liliit ba ang babayarang utang ng mga Pilipino?

June 24, 2020 | PhP 8.6 Trillion ang utang ng Pilipinas o higit kumulang PhP 81,1000 kada Pilipino... Ang pagdi-divide ng utang sa populasyon ay halimbawa lang ng pagsukat sa utang para madali itong ikumpara sa mga nakaraang taon.

Isa pang halimbawa ng sukat ay ang Debt-to-GDP ratio na nagsasabi kung anong porsyento ng GDP (kabuuang halaga ng na-produce natin sa isang bansa) ang inutang natin. Ayon sa World Bank, kung 10 pesos ang buong ekonomiya natin, hanggaโ€™t di pa ito umaabot sa 5.30 pesos, okay lang naman. Noong May 2020, tantiya na umabot ito sa 5.00 pesos.


BASAHIN: (Manila Times) Philippine debt-to-GDP ratio seen to hit 50%

https://www.manilatimes.net/.../philippine-debt.../722960/